Xi Jinping: pataasin sa bagong lebel ang estratehiko at kooperatibong partnership ng Tsina at Bangladesh

2020-10-04 12:08:18  CMG
Share with:

Sinabi ngayong araw, Linggo, ika-4 ng Oktubre 2020, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na nakahanda ang kanyang bansa, kasama ng Bangladesh, na palakasin ang koordinasyon ng kani-kanilang mga estratehiya, pasulungin ang konstruksyon ng Belt and Road, at pataasin sa bagong lebel ang estratehiko at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.

 

Winika ito ni Xi sa kanyang mensahe kay Pangulong Abdul Hamid ng Bangladesh, bilang pagbati sa ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Sa kanya namang mensaheng pambati kay Xi, sinabi ni Hamid, na mabilis ang pag-unlad ng relasyon ng Bangladesh at Tsina, at sumasaklaw na sa mga masusing aspekto ang kanilang kooperasyon.

 

Nananalig aniya siyang walang humpay na lalalim pa ang relasyong pangkaibigan ng dalawang bansa.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method