CMG Komentaryo: Konstruksyon ng mga bagong imprastruktura, suporta sa pag-unlad ng kabuhayang Tsino sa mataas na kalidad

2020-10-04 16:39:00  CMG
Share with:

Sa kasalukuyan, aktibong isinasagawa ng Tsin ang konstruksyon ng mga bagong imprastruktura, bilang suporta sa pag-unlad ng kabuhayan ng bansa sa mataas na kalidad.

 

Ang bagong imprastruktura ay tumutukoy sa mga imprastruktura para sa mga sektor ng telekomunikasyon, koryente, transportasyon, digital technology, at iba pa. Ang mga halimbawa ng mga imprastrukturang ito ay kinabibilangan ng 5G base station, ultra-high voltage grid, electric vehicle charging station, big data center, at industrial internet.

 

Ang konstruksyon ng mga bagong imprastruktura ay maglalatag ng pundasyon para sa informationization at intelligentization ng Tsina, at magbibigay ng bagong elemento at bagong lakas sa pag-unlad ng kabuhayang Tsino.

 

Ang konstruksyon ng mga bagong imprastruktura ay lilikha ng maraming pagkakataon para sa pamumuhunan. Lilitaw rin ang mga bagong industriya, bagong negosyo, at bagong serbisyo, sa pamamagitan ng mga bagong imprastruktura.

 

Ito ay magpapasagana ng industrial chain at supply chain ng daigdig, at makakatulong din sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig mula sa kahirapang dulot ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method