Mga mataas na opisyal ng Tsina at Bangladesh, bumati sa ika-45 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa

2020-10-04 16:35:54  CMG
Share with:

Nagpadala ngayong araw, Linggo, ika-4 ng Oktubre 2020, ng mensahe sa isa't isa sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Sheikh Hasina ng Bangladesh, bilang pagbati sa ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Kapwa nilang ipinahayag ang pag-asang, ibayo pang palalalimin ang pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Bangladesh sa iba't ibang aspekto, at walang humpay na pasusulungin ang estratehiko at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.

 

Bilang pagbati rin sa okasyong ito, nagpadala naman nang araw ring iyon, ng mensahe sa isa't isa sina at Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, at Ministrong Panlabas Abdul Momen ng Bangladesh.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method