Nuclear sewage ng Fukushima, posibleng itapon sa dagat; Tsina sa Hapon: Umaasang maingat na pag-aaralan ang desisyon

2020-10-20 16:16:27  CMG
Share with:

Kaugnay ng isyu ng pagtatapon sa sewage ng Fukushima nuclear power plant, ipinahayag nitong Lunes, Oktubre 19, 2020 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pag-asang magiging maingat ang pamahalaang Hapones sa paggawa ng desisyon, batay sa responsableng pakikitungo sa mga mamamayan ng sariling bansa, mga kapitbansa at komunidad ng daigdig.
 

Ayon sa ulat, pormal na magpapasiya sa Oktubre 27 ang pamahalaang Hapones na kung itatapon o hindi sa dagat ang naprosesong nuclear sewage ng Fukushima power plant.
 

Salin: Vera

Please select the login method