Direktor Heneral ng WHO, kumpirmadong may kontak sa taong nagpositibo sa Coronavirus

2020-11-02 15:25:28  CMG
Share with:

Sa kanyang social media account, kinumpirma nitong Linggo ng gabi, Nobyembre 1, 2020 ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO), na nakipag-ugnayan siya sa isang nagpositibo sa Coronavirus.
 

Sa kasalukuyan, mainam ang kondisyong pangkalusugan ni Ghebreyesus, at walang anumang sintomas.
 

Isasagawa niya ang self-quarantine, at magtatrahabo sa bahay, alinsunod sa mga tadhana ng WHO.
 

Diin niya, ang napakahalaga ay dapat sundin ng lahat ng mga tao ang patnubay na pangkalusugan, upang pigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
 

Aniya, makikipagtulungan siya, kasama ng ibang katrabaho sa WHO at mga partner, para iligtas ang buhay, at pangalagaan ang mahinang sektor ng lipunan.
 

Salin: Vera

Please select the login method