10 demonstration zones ng pagpapasulong ng kalakalan ng pag-aangkat sa inobasyon, bagong itinayo ng Tsina

2020-11-04 16:15:11  CMG
Share with:

Sa bisperas ng pagbubukas ng Ika-3 China International Import Expo (CIIE), isinapubliko ng Tsina ang listahan ng 10 bagong demonstration zones ng pagpapasulong ng kalakalan ng pag-aangkat sa inobasyon na makikita sa gawing silangan, gitna at kanluran at lumang base ng industrya sa dakong hilagang silangan ng bansa.
 

Ang hakbanging ito ay nagpapakita ng matibay na determinasyon ng Tsina sa pagpapalalim ng pagbubukas sa labas, at pagmumungkahi ng liberalisasyon ng kalakalan. Makakapagpasulong din ito sa pag-aangkat, industriya ng serbisyo at konsumo ng bansa.
 

Ang nasabing 10 sona ay kinabibilangan ng Shanghai Hongqiao Central Business District, Jinpu District ng Dalian ng Lalawigang Liaoning, Kunshan City ng Lalawigang Jiangsu, Yiwu ng Lalawigang Zhejiang, Hefei Economic and Technological Development Zone ng Lalawigang Anhui, Huli District ng Xiamen ng Lalawigang Fujian, West Coast New Area ng Qingdao ng Lalawigang Shandong, Nansha District ng Guangzhou ng Lalawigang Guangdong, Tianfu New Area ng Lalawigang Sichuan, at Xi'an International Trade & Logistics Park ng Lalawigang Shaanxi.
 

Salin: Vera

Please select the login method