CMG, komprehensibong ibabalita ang mga kaganapan sa Ika-3 CIIE

2020-11-04 18:34:16  CMG
Share with:

 

 

Komprehensibong isasagawa ng China Media Group (CMG) ang pagbabalita sa mga kaganapan kaugnay ng Ika-3 China International Import Expo (CIIE) na nakatakdang magbukas ngayong araw, Nobyembre 4, 2020.

 

Ipinahayag Nobyembre 3, 2020, ni Shen Haixiong, Puno ng CMG, na dapat i-ulat ang mga katotohanan para matamo ang bagong breakthrough sa larangan ng global communication at inobasyon ng media, at ipagkaloob ang malakas na suporta para sa matagumpay na pagdaraos ng Ika-3 CIIE.

CMG, komprehensibong ibabalita ang mga kaganapan sa Ika-3 CIIE_fororder_图片1

Si Shen Haixiong, Puno ng CMG, habang sinusuri ang 4K/8k Ultra-High-Definition (UHD) broadcast vehicle

 

Sinimulan na ngayon ng mahigit 800 mamamahayag ng CMG ang kanilang pag-uulat mula sa Shanghai.

CMG, komprehensibong ibabalita ang mga kaganapan sa Ika-3 CIIE_fororder_图片2

Convergence media studio ng CMG sa Shanghai

Sa pamamagitan ng pagkokober sa Ika-3 CIIE sa iba’t ibang anggulo, ipapakita ng CMG ang matatag na kapasiyahan at aktuwal na aksyon ng Tsina sa pagpapasulong ng pagbubukas sa labas at pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig.

 

Salin: Sarah

Please select the login method