CMG Komentaryo: Pamilihan ng Tsina, pamilihan ng buong daigdig

2020-11-06 16:36:12  CMG
Share with:

 

 

Gawing ang pamilihan ng Tsina bilang pamilihan ng buong daigdig.

 

Ito ang pahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa kanyang talumpati sa seremoniya ng pagbubukas ng Ika-3 China International Import Expo (CIIE) na idinaos Nobyembre 4, 2020.

CMG Komentaryo: Pamilihan ng Tsina, pamilihan ng buong daigdig

Ang talumpati ni Xi ay lubos na nagpakita ng sense of responsibility ng Tsina bilang malaking bansa, na nakahandang ibahagi ang pagkakataon ng sariling pamilihan sa buong mundo, at pasulungin ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

 

Nang kapanayamin ng mamamahayag ng China Media Group (CMG), sinabi ni Meng Pu, Chairman ng Qualcomm China, na ayon sa pahayag ni Pangulong Xi, patuloy na susuportahan ng Tsina ang mga kompanya ng iba’t ibang bansa, at ito'y makakabuti sa komprehensibo, malalim at pangmalayuang kooperasyon ng mga kompanyang dayuhan at kanilang mga partner ng Tsina.

 

Sa harap ng hamon sa buong daigdig ngayon, nanawagan si Xi sa iba’t ibang bansa na dapat magkakasamang magsikap para pasulungin ang pagbubukas sa labas at win-win situation.

 

Binigyan-diin niyang ang mga malaking bansa ay dapat gamitin ang sarili bilang modelo, at ang mga umuunlad na bansa ay dapat maging mas aktibo. Ito ang dapat maging bagong kaisipan ng buong daigdig sa pagpapasulongng komong pag-unlad.

 

Ihinayag din sa Ika-3 CIIE ni Pangulong Xi ang 4 na bagong hakbangin ng komprehensibong pagbubukas sa labas. Ito ay hindi lamang magdudulot ng bagong puwersang tagapagpasulong para sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig, kundi pa rin lubos na ipakita ang kapasiyahan ng Tsina, na gawing pamilihan ng daigdig ang Tsina na may napakalaking pamilihan na mayroong 1.4 bilyong populasyon.

 

Ayon sa pagtaya ng Tsina, may pag-asang lalampas ng 22 trilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pag-aangkat ng mga paninda ng Tsina sa darating na 10 taon.

CMG Komentaryo: Pamilihan ng Tsina, pamilihan ng buong daigdig

Nangangahulugan itong ang Tsina, pamilihan na may pinakamalaking pontensyal sa daigdig, ay magdudulot ng marami bentahe para sa daigdig.

 

Kasabay nito, lubos na ipinakikita nito ang patuloy na pagsisikap ng Tsina sa pagtatatag ng pinagbabahaginang kinabukasan ng buong daigdig.

 

Salin:Sarah 

Please select the login method