270 elektoral na boto, tinatayang nakuha ni Joe Biden

2020-11-08 15:45:37  CMG
Share with:

Kaugnay ng katatapos lamang na halalang pampanguluhan ng Estados Unidos, tinaya ng American media nitong Sabado, Nobyembre 7, 2020, na lampas na sa 270 elektoral na boto ang nakuha ni Joe Biden, Kandidato ng Democratic Party at dating Pangalawang Pangulo ng bansa.
 

Pagkatapos nito, ipinahayag ni Donald Trump, Kandidato ng Republican Party at kasalukuyang Pangulo ng bansa, na hindi pa tapos ang nasabing halalan.
 

Ayon sa pagtaya ng maraming American media, sa kasalukuyan, 279 nang elektoral na boto ang nakuha ni Biden, at 214 naman ang kay Trump.
 

Limandaan at tatlumput walo (538) ang kabuuang bilang ng elektoral na boto sa halalang pampanguluhan ng Amerika, at dapat makuha ngkandidatong mananalo ang lampas sa kalahati ng kabuuang elektoral na boto.
 

Salin: Vera

Please select the login method