5 mungkahi tungkol sa kooperasyon ng ASEAN+3, iniharap ng premyer ng Tsino

2020-11-15 16:42:10  CMG
Share with:

Sa kanyang paglahok kahapon, Sabado, ika-14 ng Nobyembre 2020, sa Ika-23 Summit ng Association of Southeast Asian Nations, Tsina, Hapon, at Timog Korea (ASEAN Plus Three) sa pamamagitan ng video link, iniharap ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang limang mungkahi tungkol sa pagpapasulong ng kooperasyon ng ASEAN+3.

 

Kabilang sa naturang mga mungkahi ay: una, patuloy na pagpapasulong sa kooperasyon sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at pagpapalakas ng kakayahan sa aspekto ng kalusugang pampubliko.

 

Ika-2, pagpapabilis sa pagtatayo ng malayang sonang pangkalakalan, at pagpapalalim sa magkakasamang pag-unlad ng Silangang Asya.

 

Ika-3, pagpapaginhawa sa rehiyonal na industrial chain at supply chain, at pagpapalakas sa kakayahang kompetetibo ng sistemang industriyal sa Silangang Asya.

 

Ika-4, pagsamantala sa mga pagkakataong dulot ng digital economy, at pagpapalakas ng inobasyon sa Silangang Asya.

 

At ika-5, pagbibigay-priyoridad sa kooperasyong may kinalaman sa lipunan at pamumuhay ng mga mamamayan, at pagsasakatuparan sa sustenableng pag-unlad ng Silangang Asya.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method