Xi Jinping: ipatupad ang bagong ideya at buuin ang bagong kayarian ng pag-unlad

2020-11-15 16:40:10  CMG
Share with:

Sa kanyang paglalakbay-suri kamakailan sa lalawigang Jiangsu sa silangan ng Tsina, hiniling ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang patuloy na pagpapahusay sa mga gawain ng regular na pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at pagpapaunlad ng kabuhaya’t lipunan.

 

Binigyang-diin ni Xi, na dapat ipatupad ang bagong ideya sa pag-unlad, at buuin ang bagong kayarian ng pag-unlad, para pasulungin ang de-kalidad at sustenableng kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan.

 

Iniharap din ni Xi, na dapat koordinahin ang kaunlaran at katatagan, at ibayo pang bigyang-priyoridad ang pangangalaga sa ekolohiya at kapaligiran.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method