2020 CHTF, ipininid: mahigit 1000 bagong produkto, ipinakita sa unang pagkakataon

2020-11-16 17:06:07  CMG
Share with:

 

 

Ipininid Nobyembre 15, 2020, sa lunsod Shenzhen, lalawigang Guangdong, gawing timog ng Tsina ang Ika-22 China Hi-Tech Fair (CHTF).

 

Sa ilalim ng temang “Transferring the Future with Technology and Driving Development with Innovation,” lumahok sa perya ang mahigit 3,300 kompanyang Tsino at dayuhan, na nagpakita ng mahigit 9,000 proyekto ng hi-tech.

 

Bukod diyan, ipinakita rin sa kauna-unahang pagkakataon ang 1,790 produkto at 767 bagong teknolohiya.

 

Sa background ng patuloy na pagkontrol at pagpigil sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), matagumpay na idinaos ng Tsina ang naturang aktibidad, na gumanap ng mahalagang papel para sa pagpapataas ng puwersang tagapagpasulong ng pagbangon ng kabuhayan at pagpapasulong ng pandaigdigang kooperasyon sa larangang pansiyensiya at panteknolohiya.

 

Ito rin ay naghatid ng kompiyansa para sa kabuhayan ng buong daigdig.

 

Salin:Sarah

Please select the login method