2020 Belt and Road Journalists Forum, ginanap sa Beijing

2020-11-27 15:23:06  CMG
Share with:

Ginanap nitong Huwebes, Nobyembre 26 ang 2020 Belt and Road Journalists Forum, sa pamamagitan ng video link. Malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang mahigit 120 namamahalang tauhan ng mga organisasyon ng mga mamamahayag mula sa mahigit 60 bansa, kaugnay ng pagpapalitan sa pagbabalita sa post pandemic era.
 

Inilabas sa nasabing porum ang isang magkasanib na deklarasyon ng plataporma ng kooperasyon ng Belt and Road Journalists, na nanawagan sa iba’t ibang kasapi na palaganapin ang diwa ng Belt and Road, patnubayan ang mga media at mamamahayag sa pagpapahigpit ng pag-uugnayan, pagbubuklod at pagtutulungan, walang humpay na kompletuhin ang mekanismo ng kooperasyon ng Belt and Road Journalists, at pasulungin ang komong kaunlaran ng mga kasapi at organisasyon.
 

Salin: Vera

Please select the login method