Xi Jinping, bumati sa tagumpay ng ocean expedition ng deep-sea manned submersible ng Tsina

2020-11-28 15:43:02  CMG
Share with:

Ipinahayag ngayong araw, Sabado, ika-28 ng Nobyembre 2020, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati sa matagumpay na pagtatapos ng ocean expedition ng Fendouzhe (Striver), deep-sea manned submersible ng bansa.

 

Ipinahayag din niya ang taos-pusong pangungumusta sa mga siyentipikong mananaliksik sa aspekto ng pagdedebelop ng mga deep-sea equipment at pag-aaral sa malalim na bahagi ng karagatan.

 

Sa araw na ito, sakay ng scientific research ship Tansuo-1, bumalik sa puwerto sa Sanya, lunsod sa katimugan ng Tsina, ang manned submersible na Fendouzhe.

 

Sa katatapos na ocean expedition, sumisid ang Fendouzhe sa lalim na 10,909 metro ng dagat sa Marina Trench. Ito ang bagong rekord ng manned deep-sea diving sa Tsina.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method