Klase sa kindergarden, primary at middle school sa Hong Kong, sususpendihin dahil sa COVID-19

2020-11-30 15:21:41  CMG
Share with:

Ayon sa departamentong pangkalusugan ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) nitong Linggo, Nobyembre 29, 2020, hanggang magha-hating gabi nang araw ring iyon, lumaki ng 115 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa rehiyon.

 

Sa ngayon, umabot sa 6,238 ang kabuuang naiulat na bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Hong Kong.

 

Bilang tugon, ipinatalastas ng pamahalaan ng HKSAR na mula Disyembre 2, sususpendihin ang mga klase sa mga kindergarden at parimary at middle school.

 

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method