14℃
Beijing

Australia, naglalayong ibaling ang pansin at ilipat ang presyur hinggil sa isyu ng Afghanistan

2020-12-02 15:08:25  CMG
Share with:

Bilang tugon sa bintang ng panig Australyano na falsified o pineke ang  litratong ginamit sa Twitter ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina tungkol sa karahasan ng sundalong Australyano sa Afghanistan, tinukoy nitong Martes, Disyembre 1, 2020 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang tunay na layon ng kaukulang pananalita ng panig Australyano ay ibaling ang pansin at ilipat ang presyur, at pigilan ang karapatan ng Tsina na magsabi ng katotohanan.
 

Bukod dito, ipinakita ni Hua ang isang grupo ng litrato na nagpapakita ng karahasan ng sundalong Australyano at kaukulang ulat ng Ministring Pandepensa ng bansang ito.

 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Koment( Komento)

Please select the login method