Bilang ng patay sa COVID-19 kada araw sa Amerika, mas mataas kaysa namatay sa 9.11

2020-12-14 16:53:54  CMG
Share with:

 

 

Iniulat kamakailan ng Washington Post na lumalala ang kalagayan ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika at patuloy na tumataas ang bilang ng mga namamatay kada araw.

 

Kaugnay nito, noong Disyembre 9, 2020, umabot sa 3,124 ang namatay, samantalang noong Disyembre 10, 2020, 3,350 ang naitalang nasawi.

 

Ang mga bilang na ito ay mas mataas kumpara sa mga biktima sa insidete 9.11 na umabot sa mahigit 2,900.

 

Hinggil dito, sinabi ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Amerika na sa darating na 60 hanggang 90 araw, posibleng lalalaki pa ang bilang ng mga masasawi sa loob ng isang araw.

 

Salin:Sarah

 

Please select the login method