Kabuhayan ng Xinjiang, lalo pang pasusulungin sa panahon ng Ika-14 na Panlimahang Taong Plano

2020-12-16 17:58:15  CMG
Share with:

 

 

Patuloy ang mabuting pag-unlad ng kabuhayan ng Xinjiang sa panahon ng Ika-13 Panlimahang Taong Plano.

 

Mataas ang value-added ng industrial enterprises above designated size, na umabot sa 4.7% ang taunang paglaki. Ang industriya ng serbisyo ay naging nangungunang puwersang tagapagpasulong ng paglaki ng kabuhayan.

 

Malalim na pinapasulong ang reporma, palagiang pinapabuti ang kapaligiran ng negosyo at masigla ang pamilihan. Ang konstruksyon ng economic belt ng Silk Road ay nagdulot ng mas malawak na espasyo ng pag-unlad para sa Xinjiang.

 

Iniharap sa Ika-11 Plenaryo ng Ika-9 na Komite ng Partido Komunista ng Tsina sa Rehiyong Autonomo ng Ugur ng Xinjiang, na sa panahon ng Ika-14 na Panlimahang Taong Plano, buong lakas na papaunlarin ang “10 Mahalagang Industriya” ng Xinjiang, para lalo pang pasulungin ang pag-unlad ng Xinjiang sa mas mataas na antas.

 

Salin:Sarah

 

Please select the login method