Mahigit 300 libo, namatay sa Amerika dahil sa COVID-19

2020-12-16 17:58:31  CMG
Share with:


 
Hanggang hapon ng Disyembre, 14, 2020 (Eastern Standard Time,EST), lumampas ng 300 libo ang namatay sa Amerika dahil sa COVID-19, ayon sa datos ng Johns Hopkins University.
Sinimulan ngayong linggo ang pagbabakuna sa Amerika. Sa kabila nito, ipinaalam ng mga dalubhasa na halos walang epekto ang bakuna sa pagkontrol ng pandemiya ng COVID-19 sa panahon ng taglamig.
 
Sinabi ni Robert Ray Redfield Jr., Direktor ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), na posibleng aabot sa 450 libo ang lahat ng namatay sa Amerika bago ang unang araw ng Pebrero, 2021.
 
Salin:Sarah

Please select the login method