Mahigit 17 milyon, kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika

2020-12-18 15:05:04  CMG
Share with:

 

 

Hanggang noong alas-10:27 ng Disyembre 17, 2020 (Eastern Standard Time), umabot na sa 17,000,408 ang kabuuang kumpiradong kaso ng COVID-19 sa Amerika. Samantalang nasa 307,770 ang mga namatay. Ito ang pinakahuling datos mula sa Johns Hopkins University ng Amerika.

 

Lumampas ng 16 milyon ang kumpirmadong kaso sa Amerika noong Disyembre 12. Limang araw makalipas ay tumaas sa 17 milyon ang bilang na ito.

 

Salin:Sarah

Please select the login method