Xi Jinping,ipinadala ang mensahe ng pakikiramay sa Pangulong Pranses

2020-12-18 16:07:51  CMG
Share with:

 

 

 

Ipinaabot sa pamamagitan ng tawag sa telepono ngayong araw, Disyembre 18, 2020, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang hangarin para sa mabilis na paggaling kay Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya na nag-positibo sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayan ng Tsina, matatag na sinusuportahan ni Xi ang pamahalaan at mga mamamayan ng Pransya sa paglaban sa pandemiya ng COVID-19.

 

Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Pransya, para aktibong pasulungin ang kooperasyon kontra COVID-19, at ibigay ang ambag para mapagtagumpayan ang krisis pangkalusugang ito ng buong daigdig, sinabi ni Xi.

 

Salin:Sarah

Please select the login method