Unang expressway ng Laos, bukas sa trapiko; Tsina: nagagalak

2020-12-24 16:58:26  CMG
Share with:

 

 

 

Naisaoperasyon nang 13 buwan na mas maaga kaysa iskedyul ang bahagi ng Vientiane-Vangvieng ng China-Laos expressway na magkasamang pinamuhunan at itinayo ng Tsina at Laos, at ito ay kauna-unahang expressway sa Laos.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Disyembre 23, 2020, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang kaluguran ng kanyang bansa sa pagbibigay-ambag sa konstruksyon ng expressway na ito.

 

Isinalaysay ni Zhao, na halos 110 kilometro ang haba ng Vientiane-Vangvieng expressway, at salamat dito, nabawasan mula 3.5 sa 1 oras ang biyahe sa pagitan ng dalawang lugar.

 

Ang pagsasaoperasyon ng expressway na ito ay makakatulong sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan sa lokalidad, pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan, at pagpapasulong ng kalakalan at pagpapalitan ng mga mamamayan ng Tsina at Laos, dagdag ni Zhao.

 

Salin:Sarah 

Please select the login method