21, karagdagang kumpirmadong kaso ng COVID-19 noong Disyembre 27 sa Chinese mainland: 6 sa mga ito, domestikong kaso

2020-12-28 12:42:30  CMG
Share with:

Ayon sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina Linggo, Disyembre 28, 2020, mula noong hating gabi ng Disyembre 27 hanggang magha-hating gabi ng Disyembre 28, 21 ang bilang ng naiulat karagdagang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.

 

Kabilang dito, 15 ang imported na kaso (6 sa Inner Mongolia, 3 sa Zhejiang, 2 sa Shanghai, 1 sa Beijing, 1 sa Tianjin, 1 sa Guangdong, at 1 sa Sichuan).

 

Bukod dito, 6 ang domestikong kaso (lahat sa Liaoning).

 

Samantala, walang karagdagang kaso ng namatay.

 

Hanggang sa ngayon, 339 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sa Chinese mainland (5 ang nasa napakagrabeng kondisyon).

 

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method