Pananalita ni Pompeo, mapagkunwari at may kinikilingan – Tsina

2020-12-31 16:12:38  CMG
Share with:

 

 

Ang mga pananalita ni Mike Pompeo na may kaugnayan sa Tsina ay nakikialam sa mga suliraning panloob at soberanyang hudisyal ng bansa. Ang mga ito ay mapagkunwari at mayroong di-patas na pagkiling.

 

Ito ang ipinahayag Disyembre 30, 2020, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.

 

Nauna rito, muling binatikos kamakailan ni Pompeo ang Tsina at sinabi niyang hindi kontrolado ng bansa ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Bilang tugon, sinabi ni Wang na sapul nang lumitaw ang COVID-19, batay sa bukas, maliwanag at responsableng pakikitungo, patuloy na iginigiit ng pamahalaang Tsino ang pagpapauna sa buhay at kapakanan ng mga mamamayan, isinasagawa ang pinakakomprehensibo at pinakamahigpit na hakbangin, at unang bansang nagkaroon ng pangkalahatang kontrol sa pandemiya.

 

Dagdag niya, ibinabahagi ng Tsina ang kinauukulang karanasan sa komunidad ng daigdig, na nagresulta sa pagkakaligtas sa buhay ng maraming mamamayang Tsino, at nagbigay ng sapat na oras para sa komunidad ng daigdig upang paghandaan ang laban sa COVID-19.

 

Taos-puso aniyang sinusuportahan ng mga Tsino ang mga hakbangin ng kanilang pamahalaan sa paglaban sa COVID-19, at lubos din itong sinusuportahan ng maraming bansa at organisasyong pandaigdig, saad ni Wang.

 

Salin:Sarah

Please select the login method