22, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland; 8, domestikong kaso

2021-01-02 15:40:50  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 22 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Biyernes, Enero 1, 2021.
 

Kabilang dito, 8 ang domestikong kaso (7 sa Lalawigang Liaoning at 1 sa Beijing). Samantala, 14 ang nagpositibo na galing sa labas ng bansa.
 

Walang pumanaw sa araw na ito, at 1 ang bagong pinaghihinalaang kaso na galing sa ibayong dagat.
 

Hanggang magha-hating gabi ng Enero 2, 383 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland.
 

Salin: Vera

Please select the login method