Premiyer Tsino, bumati kay PM ng Georgia

2021-01-07 16:40:01  CMG
Share with:

 

 

Sa kanyang mensaheng ipinadala Enero 5, 2021, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang pagbati kay Giorgi Gahariya sa kanyang muling panunungkulan bilang Punong Ministro ng Georgia.

Premiyer Tsino, bumati kay PM ng Georgia_fororder_zongli

Ani Li, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon nito sa Georgia, at nagkaroon ng mahalagang bunga ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan.

 

Ipinahayag din ni Li na magsisikap siya, kasama ni Gahariya, para palagiang paunlarin ang mapagkaibigang relasyong pangkooperasyon ng Tsina at Georgia upang makinabang ang mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Salin:Sarah

Please select the login method