87,278, kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Tsina

2021-01-07 16:37:45  CMG
Share with:

 

 

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 63 ang bagong karagdagang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland noong Enero 6, 2021, na kinabibilangan ng 52 domestikong kaso at 11 naangkat.

 

Hanggang 24:00H, Enero, 6, 2021, umabot na sa 87,278 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, samantalang 4,634 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.

 

Salin:Sarah

 

Please select the login method