53, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland noong Enero 7; 37, domestikong kaso

2021-01-08 15:59:10  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 53 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Huwebes, Enero 7, 2021.
 

Kabilang dito, 37 ang domestikong kaso (33 sa Lalawigang Hebei, 2 sa Lalawigang Liaoning, 1 sa Beijing, at 1 sa Lalawigang Heilongjiang). Samantala, 16 ang nagpositibo na galing sa labas ng bansa.
 

Walang pumanaw sa araw na ito, at wala ring bagong pinaghihinalaang kaso.
 

Hanggang magha-hating gabi ng Enero 8, 521 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland.
 

Salin: Vera

Please select the login method