Tsina, umaasang paiiralin ng mga mamamayang Amerikano ang kapayapaan, katatagan at kaligtasan

2021-01-08 14:16:43  CMG
Share with:

Ayon sa ulat, nilusob nitong Miyerkules, Enero 6, 2021 ang Capitol Hill sa  Washington D.C. ng Amerika ng mga   demonstrador. Napakaraming protestador ang puwersahang pumasok sa Capitol ng Amerika na nagbunsod ng maraming kasuwalti. 

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Huwebes ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sinusubaybayan ng panig Tsino ang mga kaganapan sa Amerika. Nananalig aniya siyang paiiralin ng mga mamamayang Amerikano ang kaligtasan at katahimikan.

Sa kasalukuyang mahigpit na kalagayan ng pandemiya ng COVID-19, umaasa ang panig Tsino na hahangarin ng mga mamamayang Amerikano ang kapayapaan, katatagan at kaligtasan sa lalong madaling panahon, dagdag ni Hua.

 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method