14℃
Beijing

Pangulong Tsino, ipinahayag ang pakikidalamhati kay Joko Widodo kaugnay ng pagbagsak ng eroplanong pampasahero

2021-01-12 12:21:48  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagbagsak ng isang eroplanong pampasahero ng Sriwijaya Air ng Indonesia, nagpadala nitong Linggo, Enero 10, 2021 ng mensahe ng pakikidalamhati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang Indonesian counterpart na si Joko Widodo.
 

Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, inihayag ni Xi ang malalim na pakikidalamhati sa mga nasawi at taos-pusong pakikiramay sa kani-kanilang mga kamag-anakan.
 

Salin: Vera

Koment( Komento)

Please select the login method