Pangulong Tsino, bumati kay Thongloun Sisoulith sa kanyang panunungkulan bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng LPRP

2021-01-16 10:57:24  CMG
Share with:

Ipinadala nitong Biyernes, Enero 15, 2021 ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, ang mensahe kay Thongloun Sisoulith bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Lao People's Revolutionary Party (LPRP).

 

Sa mensahe, sinabi ni Xi na sapul nang Ika-10 Pambansang Kongreso ng LPRP, sa malakas na pamumuno ng Komite Sentral ng LPRP na pinamumunuan ni Thongloun Sisoulith, natamo ng usapin ng sosyalistang konstruksyon ng Laos ang mahalagang progreso.

 

Nananalig aniya si Xi na sa pamumuno ng bagong Komite Sentral ng LPRP, tiyak na mapapasulong ang pagtatamo ng usaping sosyalista ng Laos ng mas malaking bagong progreso.

 

Dagdag pa niya, nakahanda si Xi na magsikap kasama ni Thongloun Sisoulith, para mapalakas ang pulitikal na patnubay sa relasyon ng dalawang partido at bansa, mapalalim ang tradisyonal na pagkakaibigan, mapalakas ang pagpapalitan at pagtutulungan, at magkasamang mapasulong ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalarang Sino-Lao upang makapagbigay ng positibong ambag sa pangangalaga sa kapayapaan, katatagan, kasaganaan, at kaunlarang panrehiyon.

 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method