65 bagong domestikong kumpirmadong kaso ng COVID-19, naitala sa Chinese mainland nitong Enero 23

2021-01-24 17:30:14  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, 65 bagong domestikong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang naitala sa Chinese mainland nitong Sabado, Enero 23, 2021

 

Sa mga kasong ito, 29 ang mula sa Heilongjiang at 12 sa Jilin, na kapuwa lalawigan sa hilagang silangang Tsina.

 

Samantala, 19 ang naiulat sa lalawigang Hebei, 3 sa Shanghai, at 2 sa Beijing.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method