Talumpati ni Pangulong Xi sa WEF, tumukoy ng direksyon para sa pag-unlad ng daigdig

2021-01-27 16:31:42  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa Dialogue Meeting ng Davos Agenda ng World Economic Forum (WEF), madalas na nabanggit ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang salitang multilateralismo.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Enero 26, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ang kalutasan ng Tsina sa mga isyu ng panahong ito.

Talumpati ni Pangulong Xi sa WEF, tumukoy ng direksyon para sa pag-unlad ng daigdig_fororder_davos

Ang talumpati aniya ni Pangulong Xi ay tumukoy sa direksyon at landas para sa pag-unlad ng daigdig, at lubos na nagpakita ng karunungan at responsibilidad ng Tsina.

 

Tiyak na pasusulungin nito ang pagkakaisa ng buong daigdig at pabubutihin ang magkakasamang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan, dagdag pa niya .

 

Salin:Sarah

Please select the login method