Paghahanda para sa Ika-15 Komperensya ng mga Partido ng Convention on Biological Diversity, maayos na sumusulong

2021-01-28 15:49:30  CMG
Share with:

Isinalaysay Huwebes, Enero 28, 2021 ni Cui Shuhong, opisyal ng Ministri ng Ekolohiya at Kapaligiran ng Tsina, na maayos na sumusulong ang gawaing preparatoryo para sa Ika-15 Komperensya ng mga Partido ng Convention on Biological Diversity (CBD).
 

Aniya, ang pagtatakda ng pandaigdigang balangkas ng biological diversity pagkatapos ng taong 2020 at pagbibigay ng target at landas sa pangangalaga sa biological diversity ng daigdig sa darating na 10 taon ay magsisilbing pokus ng nasabing komperensya.
 

Diin ni Cui, bilang bansang tagapagtaguyod ng nasabing komperensya, inaasahan ng panig Tsino na isasaalang-alang ng naturang balangkas ang pagkabahala ng mga umuunlad na bansa.
 

Salin: Vera

Please select the login method