2021 Spring Festival travel rush, simula na; departamentong pangkomunikasyon, pinapalakas ang hakbangin sa pagpigil at pagkontrol sa COVID-19

2021-01-28 16:07:19  CMG
Share with:

Pormal na nagsimula Huwebes, Enero 28 ang 2021 Spring Festival travel rush.

 

Sa tuluy-tuloy na kalagayan ng pagkalat ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa maraming bansa sa mundo, ilang domestikong kumpirmadong kaso ang natuklasan sa Tsina, kaya naman, pinahigpit ng ibat-ibang lugar sa bansa ang pagbabawas ng paglalakbay ng mga tao.

 

Bukod dito, isinasagawa ng mga departamento ng daam-bakal, lansangan, at abiyasyong sibil ang mas mahigpit na hakbangin ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya para maigarantiya ang kaligtasan at kaginhawahan ng mga manlalakbay sa panahon ng Spring Festival.


Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method