Sa ilalim ng kooperasyon ng China Foundation for Peace and Development (CFPD) at Civil Society Alliance Forum ng Kambodya, sinimulan ng Tsina nitong Enero 29, 2021, ang proyekto ng pagbibigay-tulong sa pagbawas ng karalitaan sa Kambodya sa pamamagitan ng mga karanasang Tsino.
Sa 3-taong proyektong ito, makikipagkooperasyon ang CFPD sa pamahalaang lokal, mga organisasyong di-pampamahalaan, at pribadong sektor ng Kambodya, para palaganapin ang mga karanasan ng Tsina sa pagpawi ng karalitaan sa Tanorn Village, isang mahirap na nayon sa dakong timog ng Phnom Penh, kabisera ng Kambodya.
Tutulungan ng Tsina ang nayong ito, para ilatag ang mga lansangan, ipagkaloob ang malinis na tubig-inumin, pabutihin ang edukasyon at serbisyong medikal, paunlarin ang agrikultura, isagawa ang bokasyonal na pagsasanay, at pagandahin ang kapaligirang pampubliko.
Salin: Liu Kai
Kasangguni ng Estado ng Tsina, bumati sa Ika-67 Anibersaryo ng Kasarinlan ng Kambodya
Pangulong Tsino, nagpadala ng mensaheng pambati sa ika-67 Araw ng Kalayaan ng Kambodya
Xi Jinping: Walang humpay na pataasin sa bagong lebel ang partnership ng Tsina at Kambodya
Tsina at Kambodya: lalo pang palalakasin ang komprehensibong kooperasyon