Tsina sa Kanada: ibigay ang ekplanasyon tungkol sa “Wuhan bat” T-shirt

2021-02-02 17:22:55  CMG
Share with:

Ibinahagi sa pamamagitan ng WeChat ng isang shop manager ng Tsina na, noong Hulyo ng nakaraang taon, nag-order ang staff ng embahada ng Kanada sa Tsina ng mga T-shirt na may imprentang hugis ng paniki at salitang “Wuhan.”

Tsina sa Kanada: ibigay ang ekplanasyon tungkol sa “Wuhan bat” T-shirt_fororder_kanada

Kaugnay nito, ipinahayag Pebrero 1, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na iniharap na ng Tsina ang solemnang representasyon sa embahada ng Kanada sa Tsina. Hiniling din ng Tsina sa Kanada na imbestigahan ang isyung ito at ibigay ang maliwanag na ekplanasyon sa Tsina.

 

Sinabi din ni Wang na ang coronavirus ay komong kaaway ng buong sangkatauhan. Maliwanag na tinututulan ng World Health Organization (WHO) at komunidad ng daigdig ang pag-uugnay ng virus at partikular na bansa o rehiyon. Madalas na ipinapahayag din ng lider ng Kanada ang katulad na komento.

 

Salin:Sarah

Please select the login method