Myanmar,binuo ang State Administration Council

2021-02-03 16:39:56  CMG
Share with:

Ipinatalastas gabi ng Pebrero 2, 2021, ng Office of the Commander-in-Chief of Defense Services ng Myanmar ang pagbubuo ng State Administration Council.

 

Si Senior General Min Aung Hlaing, Commander-in-Chief ng Defense Services, ang nanungkulan bilang Tagapangulo ng naturang council, at si Vice Senior General Soe Win naman ang Pangalawang Tagapangulo. Ang council ay may 11 kawani.

 

Ayon sa talastasan ng konseho, itatayo ang Pederal na Komisyon ng Halalan na binuo ng 6 na miyembro. Hinirang din ng konseho ang ilang mataas na opisyal mula sa militar at pulisya.

 

Hanggang ngayon, hindi pa isinapubliko ang kongkretong tungkulin ng State Administration Council.

 

Napag-alaman ng mamamahayag ng Xinhua News Agency na kinansela ng Departamento ng Abiyasyon ng Myanmar ang pagsasara ng pandaigdigang paliparan ng Yangon, at nanumbalik na  ang normal na operasyon.

 

Salin:Sarah

 

Please select the login method