CGTN, tutol sa pagkanselang Ofcom ng lisensiya para sa pagsasahimpapawid nito

2021-02-05 23:16:07 CMG
Share with:

Sa pahayag na inilabas ngayong araw, Biyernes, Pebrero 5, 2021, ipinahayag ng China Global Television Network (CGTN) ang kawalang-kasiyahan at pagtutol sa pinal na desisyon ng Office of Communications (Ofcom) ng Britanya, na ipagpawalang-bisa ang lisensiya para sa pagsasahimpapawid ng CGTN sa Britanya, at pagtanggi sa aplikasyon para sa paglilipat ng lisensiyang ito.

Ayon sa pahayag, noong unang dako ng 2020, sa manipulasyon ng mga extreme right-wing organization at puwersang kontra-Tsina, sinimulan ng Ofcom ang imbestigasyon sa lisensiya para sa pagsasahimpapawid ng CGTN sa Britanya.

Dagag ng pahayag, batay sa proaktibo at kooperatibong atityud, ginawa ng CGTN ang mga detalyadong paliwanag, at iniharap din ang mungkahi tungkol sa paglilipat ng lisensiya bilang konstruktibong solusyon.

Pero, sa kabila ng reputasyon ng CGTN bilang propesyonal na international media organization at 18-taong mabuting rekord nito ng pagsasahimpapawid sa Britanya, ginawa ng Ofcom ang nabanggit na desisyon, sa pangangatwiran ng di-umanong "political nature" ng CGTN at mga may kaugnayan nitong media organization ng Tsina, saad ng pahayag.

Salin: Liu Kai

Please select the login method