Tagapangulo ng IOC, inanyayahan ang iba’t ibang bansa na lumahok sa Beijing Winter Olympic Games

2021-02-05 16:32:13 CMG
Share with:

Inanyayahan Pebrero 4, 2021, ni Thomas Bach, Tagapangulo ng International Olympic Committee (IOC) ang mga Olympic Committee ng 206 bansa at rehiyon na lumahok sa 2022 Beijing Winter Olympic Games.

Dahil sa epekto ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), nilagdaan ni Bach ang nakasulat na paanyaya sa Olympic Committee ng 8 bansa, sa Olympic House sa Lausanne, Switzerland.

Sa pamamagitan ng video link, ipinahayag ni Bach na pagkaraang mapanood ang pagpigil at pagkontrol ng Tsina sa COVID-19, lubos ang kompiyansa ang IOC sa 2022 Beijing Winter Olympic Games. Magkokooperasyon ang Tsina at IOC para maigarantiya ang kaligtasan ng Olympic Games.

Salin:Sarah

Please select the login method