Punong Ehekutibo ng Macao, nagpa-iniksyon ng bakuna kontra COVID-19

2021-02-10 15:33:04  CMG
Share with:

Idinaos sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (Macao SAR), Pebrero 9, 2021 ang seremonya ng pagbabakuna na kontra sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Sa nasabing okasyon, nagpa-iniksyon ng bakuna si Ho Lat-Seng, Punong Ehekutibo ng Macao SAR; mga pangunahing opisyal ng pamahalaan ng Macao SAR; at mga front-line worker.

 

Kaugnay nito, nagsimula, alas dose ng tanghali (12:00 noon) Pebrero 9, ang libreng pagpapareserba ng mga mamamayan ng Macao para sa pagbabakuna.

 

Sa panayam sa China Media Group (CMG), ipinahayag ni Ho Lat-Seng ang pasasalamat sa malakas na suporta ng sentral na pamahalaan, kaya natanggap ng Macao ang mga bakuna.

 

Ang mga ito aniya ay makakabuti sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng COVID-19.

 

Sinabi naman ng mga front-line worker na mayroong silang lubos na kompiyansa sa bakuna.

 

Salin:Sarah

Please select the login method