CPC, pinakamapagkakatiwalaang puwersang namumuno sa pag-abante ng mga mamamayan

2021-02-25 12:47:00  CMG
Share with:

Sinabi Huwebes, Pebrero 25, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na lubos na napatunayan ng tagumpay ng kampanya ng Tsina laban sa karalitaan na ang Partido Komunista ng Tsina (CPC) ay ang pinakamapagkakatiwalaang puwersang namumuno sa pag-abante ng mga mamamayan.
 

Nitong nakalipas na 8 taon, mahigit 50 beses na sinuri ni Pangulong Xi ang gawain ng pagbibigay-tulong sa mahihirap.
 

Upang tulungan ang mga mamamayan sa mahihirap na rehiyon, mahigit 3 milyong tauhan ang ipinadala sa mga ito.
 

Halos 1,800 tauhan ang nagsakripisyo ng sariling buhay para sa kampanya ng pagpuksa sa kahirapan.
 

Salin: Vera

Please select the login method