Ugnayang Sino-Amerikano, di zero-sum game: Tagapagsalitang Tsino

2021-02-26 08:33:37  CMG
Share with:

 

 

Inulit ng panig Tsino na ang ugnayang Sino-Amerikano ay hindi zero-sum game at hinimok din ng Tsina sa Amerika na obdyektibo at makatwirang pakitunguhan ang relasyon ng dalawang bansa.

 

Sinabi ni William Burns, nominee ni Pangulong Joe Biden bilang direktor ng Central Intelligence Agency (CIA), na ang susi sa pambansang seguridad ng Amerika ay ang pagkontra sa “authoritarian adversary” ng Tsina.  

 

Bilang komento, sinabi ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon nitong Huwebes, Pebrero 25, 2021, na malawak ang komong interes sa pagitan ng Tsina’t Amerika samantalang di-maiiwasan ang mga pagkakaiba. Gayunpaman, hindi maaaring unawain ang relasyong Sino-Amerika sa pamamagitan lamang ng pagkakaiba, diin ni Zhao.

 

Hinimok din ng tagapagsalitang Tsino ang Amerika na magkaroon ng positibo at konstruktibong patakaran sa Tsina, para bumalik sa malusog at matatag na landas ng bilateral na relasyon.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac

Please select the login method