Tunguhin ng pagyabong ng kabuhayang Tsino, nananatili

2021-03-15 19:19:49  CMG
Share with:

Ayon sa ulat kamakailan ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, napanatili ng kabuhayang Tsino ang tunguhin ng paglaki noong Enero at Pebrero 2021.

 

Anito, mabilis ang paglaki ng produksyon sa industriya, at umabot sa 50.8% ang business activity index ng industriyang panserbisyo, na lampas sa kritikal na punto noong nakaraang 12 buwan.

 

Bukod dito, umabot din sa mahigit 1.758 trilyong yuan RMB ang halaga ng tingiang benta sa online na plataporma sa buong Tsina noong Enero at Pebrero, at ito ay lumaki ng 32.5% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.

图片默认标题_fororder_kabuhayan

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

Please select the login method