Delegasyong Tsino, dumating ng Alaska para sa diyalogo kasama ng Amerika

2021-03-18 22:15:12  CMG
Share with:

Delegasyong Tsino, dumating ng Alaska para sa diyalogo kasama ng Amerika_fororder_cfcc7439c5bb46d3880d670456e63faa

 

Dumating ngayong araw, Huwebes, ika-18 ng Marso 2021, ng Anchorage, Alaska, ang delegasyong Tsinong pinamumunuan ng dalawang nakatataas na diplomata na sina Yang Jiechi at Wang Yi, para magsagawa ng estratehikong diyalogo sa mataas na antas, kasama nina Secretary of State Antony Blinken at National Security Advisor Jake Sullivan ng Amerika.

 

Si Yang ay Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina.

 

Si Wang naman ay Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas.

 

Ayon sa iskedyul na narating ng kapwa panig, magsasagawa ang naturang apat na opisyal ng 3 pulong sa Marso 18 at 19, na kinabibilangan ng unang pulong na nakatakdang idaos Marso 18 ng hapon, local time.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method