14℃
Beijing

Visa applicant na naturukan ng bakunang Tsino, binibigyang ginhawa

2021-03-18 13:05:41  CMG
Share with:

Visa applicant na naturukan ng bakunang Tsino, binibigyang ginhawa_fororder_VCG41168450168

 

Ayon sa anunsyo ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas, simula Marso 15, 2021, bibigyang-ginhawa ang mga Pilipinong visa applicant na naineksyunan na ng bakunang Tsino at may vaccination certificate kontra sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Layon nitong mapanumbalik ang maayos na biyahe sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, anang anunsyo.

 

Paalala ng pasuguang Tsino, ilalabas sa lalong madaling panahon ang karagdagang patalastas hinggil sa kahilingan sa pagpiprinsita ng visa at vaccination certificate.

 

Bukod dito, pinapa-alala rin sa mga nagpiprisinta ng visa na hintayin lamang ang ispesipikong petsa kung kailan sisimulang tanggapin ang visa appointment.

 

Para sa buong anunsyo ng pasuguan, pakipuntahan ang webpage na http://ph.china-embassy.org/eng/lsfw/t1861001.htm.

 

Samantala, sa katulad na anunsiyo, ipinatalastas din ng mga Pasuguang Tsino sa Hapon, Pakistan, Israel, Thailand, at iba pa ang naturang impormasyon.

 

Salin: Jade

Pulido: Rhio

Koment( Komento)

Please select the login method