Xi Jinping, nagpa-abot ng pangungumusta sa PM ng Pakistan

2021-03-25 11:48:02  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagkahawa sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ni Punong Ministro Imran Khan ng Pakistan, ipinadala nitong Miyerkules, Marso 24, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe bilang pangungumusta.
 

Taos-pusong kinumusta ng pangulong Tsino si Khan, at ipinahayag ang pananabik sa kanyang maagang paggaling.
 

Saad ni Xi, ang Tsina at Pakistan ay all-weather strategic cooperative partners.
 

Lagi aniyang kabalikat ng Tsina ang panig Pakistani, tungo sa pagtatagumpay laban sa pandemiya.
 

Dagdag ni Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyong Sino-Pakistani, at nakahanda siyang pasulungin, kasama ni Punong Ministro Khan, ang pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Pakistan, at ihatid ang benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method