11, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Tsina; lahat ay galing sa labas ng bansa

2021-03-26 14:55:33  CMG
Share with:

Ayon sa datos na isinapubliko Marso 26, 2021, ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 11 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland. At ang lahat ng mga ito ay galing sa labas ng Tsina.

 

Hanggang maghahating-gabi ng Marso 25, 2021, umabot sa 163 ang bilang ng mga umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Tsina.

 

Samantala, 4,636 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.

11, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Tsina; lahat ay galing sa labas ng bansa_fororder_covid

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method