Militarisasyon sa SCS, hindi dapat isisi sa Tsina

2021-03-26 11:01:08  CMG
Share with:

Ayon sa ulat, ipinahayag nitong Miyerkules, Marso 24 sa NATO headquarters ni Antony J. Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, na nagsasagawa ang Tsina ng militarisasyon sa SCS at nagbabanta sa kalayaan ng paglalayag sa karagatang ito.

 

Ipinahayag pa niyang kasalukuyang nakakapinsala ang Tsina sa regulasyon ng pandaigdigang sistema at opinyon sa halaga ng Amerika at mga bansang Kanluranin, at nagsasapanganib sa kolektibong seguridad at kasaganaan ng kapwa panig.

 

Bilang tugon, ipinahayag sa Beijing nitong Huwebes, Marso 25, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang umano’y bintang na militarisasyon sa South China Sea ay hindi dapat ituon sa Tsina.

 

Ani Hua, di-puwedeng gamitin ng panig Amerikano ang umano’y militarisasyon para alisan ng karapatan sa pangangalaga ng sariling proteksyon at depensa ang Tsina sa teritoryo nito.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method