32, karagdagang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland: 15, domestikong kaso mula sa Yunnan

2021-04-05 11:09:07  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 32 bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang naitala nitong Linggo, Abril 4, 2021 sa Chinese mainland.

 

Kabilang dito, 17 ang galing sa ibang bansa, at 15 iba pa ang mula sa probinsyang Yunnan ng Tsina.

 

Bukod dito, walang bagong naitalang kaso ng namatay at wala ring bagong pinagdududahang kaso noong Abril 4.

 

Hanggang nitong Linggo, may 238 kumpirmadong kaso (2 ang nasa kritikal na kondisyon) sa Chinese mainland, at 4,636 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method